Thursday, September 1, 2016

Bakit wag ka kukuha ng Insurance! Para sa iyo ito Kabayan!

Sobrang dami na nating mga Professional ngayon sa Singapore. 

Matagal man o bago, malaki ang sahod at sakto, marami pa din ang hindi kumuha ng Insurance sa maraming kadahilanan..

(1) Mawalan ng pambayad paglipas ng ilang taong paghuhulog. Totoo nga naman na hindi tayo panghabangbuhay sa ibang bansa. Kaya kailangan isipin ng wasto kung kaya ba ng cash flow itong bayaran, tama ba ang laki ng gastusin o hindi.

(2) hindi pwede magwithdraw ng pera pag kinakailangan. -depende sa Insurance na kinuha ito ng isang tao ito. Kaya kailangan makita mo ang nararapat na insurance para sayo.

(3) masyadong mahal ang bayad. -meron kasi sobra maningil hindi naman kayang isustain ang bayarin lalo na pag umuwi na sa pinas. Kaya ang iba natakot kasi alam nila mahirap panatilihin ang pagbabayad.

(4) Magsara ang Insurance Company. Madami kasi nawalan ng pera sa mga pre-need companies sa Pinas noon. Pero iba po ang Insurance companies sa mga pre need companies. 

(5) maSCAM. Hindi ito maiwasan kasi may mga tao pa din naloloko ng mga agents para sa benta at komisyon nila. Pero meron pa din namang mga kalidad at hindi mandurugas na ahente. Lahat sila pare parehas ang binebenta ngunit nagkakaiba sa serbisyo at intergridad sa pagbebenta ng insurance.

Ilan lang yan at marami pang ibang dahilan...
kaibigan, mag iingat ka sa pagbili ng insurance at wag basta basta magtiwala.

Pero, bakit nga ba kailangan natin ng Insurance?

Simple lang naman... KAIBIGAN at KABAYAN dugo at pawis sa ibang bansa ang pinuhunan mo para sa perang iyong naipon, sa mga yaman like bahay, condo, stocks, mutual funds, negosyo,kotse, edukasyon ng anak, suporta sa pamilya, atbp...

Masaya ako para sa iyo kaibigan. Ngunit naisip mo na ba kung ikaw ay:

(1) Naospital? 
(2) Naaksidente?
(3) Nagkasakit (Cancer/ heart attack/ stroke)
(4) nalumpo at mamatay??

San ka kukuha ng pera? Sa mga inipon mong yaman? Yung iba sa utang... At ano susunod?.... 
Kaibigan, kailangan mo ng Insurance kahit sino ka man. Isang magandang solusyon ito sa maraming bagay sa maliit na halaga. Pinaghirapan mo ang yaman mo para magkaroon ka at ang mga mahal mo sa buhay ng magandang buhay.. 

Bakit gagamitin mo lang pambayad ng Resibo na ibibigay sayo ng ospital???

Kapag nagkasakit ka?? nagsimula sa simpleng pitik ng sakit sa dibdib akala mo wala sabi ng doctor wala, pero ilang taong paglipas, ito pala ay isang sakit sa puso? 

Isa sa pinakamasakit na mangyari sa kabila ng mga tagumpay mo sa buhay ay ang mawala lahat ng pinaghirapan mo at mahirapan ang pamilya mo sa isang bagay na kaya mo solusyunan ngayon. 

Kaibigan, wag ka matakot sa Insurance dahil ito ang matinding sandata at kakampi mo sa panahon na kailangan mo ng pera dahil sa mga bagay na hindi inaasahan. 

Bibigyan ka nito ng garantisadong suportang Financial.

Bilang Financial Literacy Advocate,

Ako po ay naniniwala sa aking propesyon bilang Financial Services Consultant na humahawak ng daan daang pilipino at iba pang lahi ng kanilang Financial Portfolio.

Marami na din akong natulungang Pilipino sa kanilang:
(1) Gastos sa ospital at ito ay nabayaran. 
(2) Nakapagtabi ng kanilang pera para sa kanilang mga pangarap sa buhay
(3) Marami akong natulungan na isatama ang kanila portfolio sa cash flow, atbp.

Sa mga taong gusto malaman ano po kaya gawin ng Insurance sa kanilang buhay bilang OFW, pakibigay alam lang sa akin sa detalye sa baba. 

Salamat. GODBLESS!











2 comments:

  1. Tanong ko lang po sana,,,puwede ko pa po bang ipagpatuloy ang sss ko, maski matagal ng hindi nahuhulugan,,pero nasa akin ang mga resibo at no.acct ko sa sss,,naumpisahan ko po ang paghulog noong nasa Singapore ako,,pero ng napalipat ako ng Malaysia, saka natigil,ang paghulo ko,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo, pwedeng pwede po. Ipa activate niyo lng po sa sss ang inyong account.lifetime account po iyon at binding Hindi makawala.ibigay niyo lng ung sss account no. Niyo sa kanila matri-trace na nila account niyo.

      Delete

10 Reasons why my friends and I are Crazy Desparate for MonstaInfinite!

As a gamer and investor, I always read and study carefully the economy and tokenomics of a certain NFT Game.  So many out there but few are ...